10 Patok na Online Negosyo Ideas na Maaari Mong Simulan Ngayong 2023

Sa panahon ng pandemya, marami ang mga naghahanap ng mapagkakakitaan. Marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho, ngunit marami din naman ang nakahanap ng oportunidad para sa alternatibong mapagkakakitaan. Marahil narinig mo na ang kasabihan na “walang yumayaman sa pagiging empleyado” at maaaring marami ka na ding narinig na success stories sa pagnenegosyo. Ngunit, ano nga ba ang swak na negosyo na para sa iyo ngayong 2023?

10 patok na online business ideas (2023)

Maraming online businesses ang pwede mong simulan sa maliit na halaga or kahit walang kapital. Ito ang mga online negosyo at services na pwedeng-pwede mong simulan:

Table of Contents

1. Online Grocery Store o Palengke

Isang patok na negosyo na maaari mong simulan sa bahay ay isang online grocery store. Noong nagkaroon ng pandemya, maraming tao ang gustong manatili sa bahay kaysa mamimili sa pampublikong pamilihan tulad ng palengke.

Hindi mo din kailangan ng malaking panimula sa pagtayo ng isang online palengke. Gamit ang SariSuki app, maaari kan g magtinda ng grocery items online sa inyong barangay o community. Hindi ka na mahihirapan magbitbit ng paninda dahil libre ang pag-deliver mismo ng supply sa iyong bahay. Dahil dito mas malaki ang balik ng kita dahil mas maraming items ang kayang bilhin at hindi mo kailangan pang magpabalik-balik sa palengke or supermarket para bumili ng paninda.


Makakasiguro ka ding fresh at magandang quality nang iyong paninda na nagmula sa SariSuki. Affordable pa ang grocery items at makakasiguradong kikita ka. Panoorin ang video na ito upang mas lalong pang maintindihan ang programa ng SariSuki, at ma-enganyong nagsimula bilang isang Ka-sari or community leader ng iyong lugar: 


Kumita sa iyong online grocery ng inyong komunidad gamit ang SariSuki.

Magkano ang puhunan sa pagtayo ng online grocery business?

Kung gagamit ka ng SariSuki bilang partner mo sa iyong online grocery negosyo, hindi mo kailangan maglabas ng pera dahil meron kang 48 hours or 2 days upang bayaran ang mga iyong order. Ito ay sapat na panahon upang kolektahin ang bayad sa iyong customers o suki.

Upang malaman ang buong proceso, sumali sa SariSuki orientation training tuwing Lunes hanggang Sabado, 8 PM ng gabi. Magregister lamang dito at makibalita sa SariSuki Facebook page . Huwag din kalimutang i-download ang SariSuki app (sa App Store para sa iOS at Google Play Store para sa Android) at umpisahan na ang iyong online grocery business ngayon! 

Sino ang iyong mga customers?

Sa pagsisimula ng online grocery store, maaari kang magsimula sa inyong barangay at kapitbahay or mga kaibigan sa inyong community. Maraming naeenganyong bumili sa grocery online dahil sa restriksyon dulot ng pandemya o kaya naman dahil sa kakulangan ng oras. Sa SariSuki, mas marami kang ma-o-ooffer na items sa iyong customers sa isang pindot lamang. Hatid nito ang isang hassle-free na pamimili.

2. Pagtitinda ng pagkain

Ang pagbebenta ng pagkain ay isang patok na negosyo na patuloy na umuusbong. Ito ay pwedeng-pwede mong simulan sa bahay and i-promote sa internet. Gamit ang social media, malawak ang iyong oportunidad upang maparami ang iyong customers at kita. Maaaring mong simulan ang pagnenegosyo ng pagkain sa pagtitinda ng mga lutong bahay o ulam at miyerda. Ito ay pwedeng i-alok sa iyong kapitbahay o mga kaibigan sa social media. 


Maraming pagkain ang pwede mong simulag ibenta. Ang mga tao ay laging naghahanap ng bago at kakaiba. At kung pagkakaiba-iba ang paguusapan,marami kang pwedeng unique food na magagawa sa pagbebenta ng dessert at baked goods. Lalo na sa cake na isa sa mga popular businesses during pandemic. 


Kung pinoproblema mo ang food expiration o tagal ng pagkain, pwede mong simulan ang pagbebenta ng jar at fermented food tulad ng gourmet tuyo.


Isa sa pwedeng mong pasukin ang healthy foods and snack. Dahil sa pandemya marami sa atin ang mas naging conscious at pinahalagahan ang kalusugan. Isang halimbawa ang diet meal plan o ready made food na isang subscription online business. Ang pagbebenta ng healty snacks tulad ng kangkong at mushr oom chips ay isa din sa mga naging patok na negosyo noong kasagsagan ng pandemya at lockdown.

Sadyang madali na at mas malawak na ang iyong reach sa pagbebenta ng pagkain dahil sanay na ang tao sa pag-order online. Maraming delivery service options ang pwede mong gamitin. Pwede mo ding kontratahin ang mga tricycle drivers sa iyong barangay kung sakaling hindi naman kalayuan ang iyong customers. Sa paraan na ito, kasabay mo ang iyong community sa paglago ng iyong online food business. 

Sino ang iyong mga customers?

Maari mong simulan ang paglalako ng pagkain sa iyong “immediate circle”. Kasama sa iyong immediate circle ang iyong mga kapamilya, malalapit na kaibigan, o mga kapitbahay. Kung talagang pursigido kang makabenta at kumita ng malaking pera, pwede mo ring subukang ibenta ang iyong mga lutong pagkain sa iyong mga katrabaho. 

Paano magsimula ng online food business?

1. Ang pagsisimula ng online food business ay napakadali. Una, alamin mo muna kung anong klaseng pagkain ang nais mong ibenta. Ito ba ay mga ulam? Tinapay? Desserts? Napakahaba ng listahan na pwede mong ilako online ngunit siguraduhin na ang iyong mga paninda ay akma sa iyong specialty.

2. Matapos makapili ng pagkain na gustong itinda, gumawa ng sample nito at picture-an. Siguraduhin lamang na katakam-takam ito sa larawan para mas marami ang maengganyong bumili.

3. Gumawa ng social media account (Facebook o Instagram) ng iyong online food business. Dito mo ipo-post ang mga larawan ng mga pagkaing ibebenta mo. Dito ka rin patuloy na magpo-post ng updates kung meron bang nadagdag sa menu ng iyong negosyo. Maaari mo din itong gamitin upang makipag-engage sa mga potential customers mo sa pamamagitan pag-comment o pag-chat sa kanila.

Magkano ang puhunan sa sa pagbebenta ng pagkain?

Maaari kang magsimula ng online food negosyo gamit lamang ang isang libong piso (₱1,000). Bumili ng mga pangunahing rekados ng iyong resipi at simulan na ang paggawa ng unang order para sa iyong mga customers. 

3. Mga damit at kasuotan

Ang pagbebenta ng pagkain ay isang patok na negosyo na patuloy na umuusbong. Ito ay pwedeng-pwede mong simulan sa bahay and i-promote sa internet. Gamit ang social media, malawak ang iyong oportunidad upang maparami ang iyong customers at kita. Maaaring mong simulan ang pagnenegosyo ng pagkain sa pagtitinda ng mga lutong bahay o ulam at miyerda. Ito ay pwedeng i-alok sa iyong kapitbahay o mga kaibigan sa social media. 


Maraming pagkain ang pwede mong simulag ibenta. Ang mga tao ay laging naghahanap ng bago at kakaiba. At kung pagkakaiba-iba ang paguusapan,marami kang pwedeng unique food na magagawa sa pagbebenta ng dessert at baked goods. Lalo na sa cake na isa sa mga popular businesses during pandemic. 


Kung pinoproblema mo ang food expiration o tagal ng pagkain, pwede mong simulan ang pagbebenta ng jar at fermented food tulad ng gourmet tuyo.


Isa sa pwedeng mong pasukin ang healthy foods and snack. Dahil sa pandemya marami sa atin ang mas naging conscious at pinahalagahan ang kalusugan. Isang halimbawa ang diet meal plan o ready made food na isang subscription online business. Ang pagbebenta ng healty snacks tulad ng kangkong at mushr oom chips ay isa din sa mga naging patok na negosyo noong kasagsagan ng pandemya at lockdown.

Sadyang madali na at mas malawak na ang iyong reach sa pagbebenta ng pagkain dahil sanay na ang tao sa pag-order online. Maraming delivery service options ang pwede mong gamitin. Pwede mo ding kontratahin ang mga tricycle drivers sa iyong barangay kung sakaling hindi naman kalayuan ang iyong customers. Sa paraan na ito, kasabay mo ang iyong community sa paglago ng iyong online food business. 

Sino ang iyong mga customers?

Bilang ang kasuotan ay isang pangunahing pangangailangan, lahat ng tao, bata man o matanda, lalake man o babae, ay pwede mong maging customer. Lahat sila ay pwedeng bumili ng iyong paninda kaya siguradihing maganda ang kalidad at maayos ang kalagayan ng mga damit na iyong ibebenta.

Paano ibenta iyong online clothing business?

Sa panahon ngayon, napakarami na ng paraan para magbenta ng mga produkto, kasama na rito ang damit. Maaari kang magtayo ng online store gamit ang Shopee o Lazada o kaya naman ay sa pamamagitan ng paggawa ng account sa Instagram o Facebook. Kasangga mo ang social media sa pagsasakatuparan ng patok na negosyo online mo ngayong 2023.

4. Home Decoration

Isa sa mga patok na libangan ng mga mommy ngayon ay ang pagpapaganda ng kanilang mga tahanan. Kaya naman, bagay na bagay ang pagbebenta ng home decorations online. Magandang negosyo ang home decor lalo na kung isa ka ring ilaw ng tahanan na gustong laging nasa ayos ang bawat sulok ng iyong bahay.

Sino ang iyong mga customers?

Kagaya ng nabanggit, ilan sa pwede mong maging customers ay mga kapwa mo ring nanay na gustong mapaganda ang kanilang tirahan. Pwede mong i-promote ang iyong negosyo sa mga group pages kung saan maraming nanay din ang kabilang.

Saan maaring bumili ng iyong mga paninda?

Maaari ka ring humanap ng iyong home decoration suppliers online. Siguraduhin na dekalidad ang mga produkto ng iyong nahanap na supplier. Kung meron namang malapit na home decor store sa inyo, maari kang direktang bumili doon at i-ship out sa iyong mga customers.

5. Garden Tools and Essentials

Kagaya ng home decorations, patok na patok din ngayon ang garden tools and essentials. Ang mga halaman ay mahalaga sa pagbibigay buhay ng inyong mga tahanan. Gamit ang garden tools, mas mapapanatili mong buhay ang mga halaman sa iyong bakuran na siguradong kaiinggitan ng iyong mga kapitbahay.

Anu-ano ang maaari mong ibentang garden tools?

Narito ang iilan sa mga pwede mong ibentang garden tools online:

Long Handle Garden Tools

  • Spade
  • Rake
  • Hoe
  • Garden fork
  • Hedge shears

Short Handle Garden Tools

  • Hand pruner
  • Trowel
  • Hand rake
  • Hori-hori
Sino ang iyong mga customers?

Sigurado, papatok ang garden business mo sa mga plantito at plantita. Sila ang iyong number one market sa iyong negosyo. Kaya importante kung ano na malaman kung ano ang kanilang mga gusto.

6. Handmade Goods

Marami sa mga tao ngayon ang naghahanap ng mga personalized na pangregalo. Kaya naman patok negosyo idea dito ang paggawa ng handmade goods kagaya ng bags, crocheted items, scented candles, pins, accessories at marami pang iba. Kung ikaw ay mahilig magbutingting at may angking galing sa paglikha, baka ang pagbebenta ng handmade goods na ang online negosyo na para sa iyo.

Sino ang iyong mga customers?

Pangunahing customer mo sa mga handmade goods ay ang Gen Z. Patok na patok sa mga kabataan ang customized handmade goods na pwedeng pangregalo sa mga espesyal na okasyon. Bukod sa Gen Z, patok rin ang mga handmade goods sa mga magkasintahan. Tiyak na mas tatamis pa ang inyong pagmamahalan kapag mas detelyado’t pinag-isipan ang susunod mong regalo!

Paano i-promote ang iyong homemade at craft online?

Kunan ng larawan ang iyong mga produkto. Magtayo ng iyong online store gamit ang iba’t ibang social media platforms kagaya ng Instagram o Facebook. Maaari mo ring subukan magbenta sa pamamagitan ng Shopee at Lazada. Bukod pa dito, marami ding online sites kung saan pwede mong i-post ang iyong produkto. Mas maraming platforms kung saan nakapost ang iyong produkto ay mas malaki rin tiyansa nito makita ng mga mamimili online.

7. Digital Art at Products

Kung ikaw naman ay may talento sa sa arts at hilig ang paggawa ng iba’t ibang digital artworks at products, alam mo ba na maaari mo rin itong gawing negosyo? Pwedeng-pwede iyan sa pamamagitan ng pagbebenta ng iyong digital art at products. Maraming artists ngayon ang nagbubukas ng kanilang digital art business sa pamamagitan ng pagtanggap ng commission mula sa mga kliyente. Bukod sa malaya kang makagagawa ng sining online, hawak mo rin ang dami ng kliyente na iyong tatanggapin at ang dami ng trabaho na iyong gagawin. Sa madaling salita, ikaw ang magdedesisyon kung ilang oras ang iyong gugulin sa isang proyekto.


Ilan sa mga digital art at products na maaari mong gawin ay ang mga sumusunod:

  • Personalized artworks
  • Thank you cards
  • Printable and digital planners 
  • Logos
  • Business cards
  • Social media templates
  • E-book covers and guides
  • Workbooks
  • Lightroom presets
  • Icon pack
  • Wall art
  • Digital papers
  • Clip arts

Ang kainaman pa sa pagbebenta ng digital art at products ay ang abilidad nitong maging passive source of income sa iyong kapag tumagal. Ang kinakailangan mo lang gawin ay simulan ang paggawa ng iyong mga designs at produkto at pagkatapos i-post ito sa websites kagaya ng Etsy at maghintay ng iyong first customer.

Sino ang iyong mga customers?

Kahit sino ay pwedeng bumili ng iyong mga produkto. Dahil tayo ay halos nasa harap na ng ating mga phones at computers, lumalaki rin ang ating pangangailangan ng mga produktong digital. Tiyak magugustuhan ito ng mga taong mahilig magbabad sa internet kagaya na lamang ng mga Gen Z.

Paano i-promote ang iyong online art business?

Bilang pawang digital ang nature ng negosyo idea na ito, asahan na malaki ang gampanin ng social media at ng Internet sa pagpapalago ng iyong negosyo. I-post sa social media ang mga produkto na iyong ino-offer o hindi kaya naman ay personal na alukin ang iyong mga produkto o mga serbisyo sa mga taong kilala mo na. Kinakailangan mo din na patuloy sa paggawa ng iba’t ibang uri at klase ng mga design sa iyong mga digital artwork at products. Mas maraming design, mas marami ring pagpipilian ang iyong mga customers. Sa ganitong paraan mo mas mapapadami pa ang iyong kita sa online art business mo!

8. Online Tutoring Business

Marami rin ngayon ang nag-aalok ng online tutoring services. Ito ay swak na swak sa mga teachers na naghahanap ng part-time job bukod sa kanilang day job bilang mga guro sa kanikanilang mga public o private schools. Napatunayan ng nagdaang pandemya na malaki ang oportunidad sa online education. Kaya naman, kung ikaw ay epektibo sa pagbabahagi ng iyong kaalaman sa iba, perpekto ang online tutoring business para sa iyo ngayong 2023 na isa sa mga patok na negosyo sa bahay!


Kadalasan, ang kita sa online tutoring sa dami ng oras na gugugulin sa pagtuturo o kaya naman ay kung ilang bata ang iyong tuturuan sa isang session. Depende din ito sa dami ng subjects na kailangan mong talakayin. Ngunit, huwag kang mag-alala, pwedeng-pwede na ikaw ang magtakda ng iyong singil kada oras o session ng iyong tutoring online. 

Sino ang iyong mga customers?

Ang tipikal na customers mo sa isang online tutoring business ay mga estudyante. Ang mga baitang na posible mong turuan ay mula kindergarten hanggang sa kolehiyo. Kaya naman, kinakailangan na ikaw ay bihasa sa larangan o asignatura na ituturo mo. Dapat din na meron kang malakas na pundasyon sa mga konsepto na iyong tatalakayin. Ang mabisang pagtuturo ay nasusukat sa kung paano mo mas mapapadali at mapapaintindi sa iyong estudyante ang isang komplikadong paksa.

Paano i-promote ang iyon online tutoring business?

Maari mong i-promote ang iyong online tutoring negosyo sa pamamagitan ng pag-post nito sa iyong social media account. Kung meron ka naman kilalang mga kumare at kumpare na nangangailangan ng personal tutor para sa kanilang anak, maaari mo silang direktang i-message at i-offer ang iyong online tutoring business.

9. Blogging and Freelance Writing

Mahusay ka ba sa mga salita? Kung oo, baka ang pagiging blogger o freelance writer na ang pinaka-best option para sa iyo upang kumita ng extra online. Maaari mong gamitin ang abilidad mo sa pagsulat upang makahikayat ng iba’t ibang kliyente sa Pilipinas man o sa ibang bansa. Maraming kumpanya ngayon ang naghahanap ng bihasang mga bloggers o freelance writers upang magsulat ng iba’t ibang content na gagamitin sa loob o labas ng kanilang organisasyon.


Bilang ang pagsulat ay nangangailang ng teknikal na abilidad, mas makatutulong kung ikaw ay eksperto o subject-matter expert sa isang partikular na industriya o niche. Kaya naman ang patuloy na pag-aaral, kasabay ng iyong pagsulat, ay kailangan upang makagawa ng dekalidad na contents o blog articles.

Sino ang iyong mga customers?

Hindi lamang mga kumpanya ang maaari mong maging customer sa pagiging blogger o freelance writer. Sa totoo, pwede ka ring tumanggap ng mga commissions kahit kanino bilang isang ghost writer. Ang isang ghost writer ay ang pagsulat ng content para sa isang pribadong indibidwal. 

Paano ka-kikita sa pagiging blogger o freelance writer?

Kadalasan, ang presyuhan sa isang blog article ay depende sa haba o sa bilang ng mga salita na iyong ginamit sa kabuuan ng iyong sinulat na content. Naglalaro sa ₱500 - ₱1,000 kada blog article.

10. YouTube

Kung ikaw naman ay komportable sa pagharap sa camera o paggawa ng video contents, maaari mong subukan ang pagbuo ng iyong sariling Youtube channel. Maari kang kumita sa YouTube sa sa tulong ng kanilang Partner Program . Matapos sundan ang patakaran ng Youtube para sa monetization, ang iyong channel ay pwede nang kumita para sa ito. 

Mga patakaran ng Youtube sa pag-monetize ng iyong channel
  • Kung kabilang ka sa Partner Program ng YouTube, maari kang kumita sa pamamagitan ng advertisements.
  • Bago matanggap sa Partner Program ng YouTube, mabusising susuriin nito ang kalidad ng content na iyong gagawin at iu-upload.
  • Posibleng kailangan mo ding magbayad ng mga buwis sa iyong kita mula sa YouTube.
Paano kumita sa Youtube?

MaramingMaaari kang kumita sa youtube sa pamamagitan ng:

  • Advertisements
  • Channel membership
  • Super Chat at Super Stickers
  • Shopping
  • Super Thanks
  • Youtube Premium
Paano i-promote iyong Youtube Channel?

Dahil sa dami ng kompetisyon sa Youtube, kinakailangan ng dobleng pagsisikap sa pag-promote ng iyong channel. Kinakailangan mo ring sigurado na kalidad, may saysay, o kaya naman ay patok ang mga contents na iyong ilalabas. Sa pamamagitan nito, mas madaling matutukoy ng Youtube algorithm ang iyong video at mas mapapadali para sa mga Youtube viewers ang paghahanap rito. Mas maraming views, mas malaki din ang tiyansa ng pagdami ng iyong subscribers.

Frequently Asked Questions

Anong negosyo ang walang capital? 

Ang pagsisimula ng online business ay kadalasang wala o mas mababa ang kailangan ilabas na kapital. Kung ikaw ay naghahanap ng negosyo na walang puhunan, maaari mong subukan pagtatayo ng iyong sariling online grocery store gamit ang SariSuki at makatulong pa sa iyong mga kababayan sa iyong komunidad.

Paano magsimula ng successful online negosyo? 

Kung ikaw ay nagbabalak na magtayo ng successful online negosyo ngayong 2023, narito ang ilan sa mga kailangan mong tandaan:

  1. Humanap ng problema na pwedeng masolusyunan ng iyong negosyo.
  2. Pag-aralan ang iyong mga target customers.
  3. Manaliksik ng mga patok na gimik sa iyong negosyo.
  4. Magtayo ng magandang reputasyon at branding.
  5. I-promote ang iyong negosyo sa iba’t ibang social media.
  6. Maging aktibo sa pagsagot ng katanungan ng iyong mga customers.
  7. Patuloy na paunlarin ang mga produkto o serbisyo ng iyong online negosyo.