Iba’t Ibang Uri ng Negosyo

Bago pa man maglabas ng panimulang puhunan para sa isang negosyo o online negosyo, mahalagang alamin mo muna kung anong uri ng negosyo nga ba ang nais mong itayo. Kailangan na ang bawat desisyon mo sa pagnenegosyo ay naka-angkla at nasasagot ang ilang importanteng katanungan katulad ng mga sumusunod:

  • Anong klase ng negosyo ang nais mo?
  • Paanong pamamalakad ang gusto mong mangyari sa iyong negosyo?
  • Nais mo bang may kasama o kasosyo sa iyong negosyo?
  • Gaano karaming responsibilidad ang kaya mong akuin para sa iyong negosyo?

Sa pamamagitan ng pagsagot sa mga simpleng katanungan na ito, maaaring mayroon ka nang ideya ng uri ng negosyo ang gusto mong simulan. Anu-anong uri nga ba ng negosyo ang mayroon sa mundo ng komersyo natin ngayon?

Mga Uri ng Negosyo

Mayroong apat na uri ng negosyo na maaaring pasukan ng isang aspiring na negosyante na tulad mo. Iyan ay ang sole proprietorship, partnership, corporation, at cooperation.

Table of Contents

Anu-ano ang iba’t ibang uri ng negosyo?

Kung ikaw ay nagbabalak magtayo ng negosyo, mahalagang maintindihan ang iba’t bang uri ng negosyo na maaari mong pasukan o simulan. Ilan sa mga popular na uri ng negosyo ay sole proprietorship, partnership, corporation, at cooperation. Alamin ang kahulugan at pagkakaiba ng apat na uri ng negosyo na ito, ang mga advantages at disadvantages ng bawat isa, at kung anong uri ng negosyo ang swak para sa iyo.

1. Sole Proprietorship

Kahulugan ng Sole Proprietorship

Ang sole proprietorship ay isang uri ng negosyo na pag-aari at pinamamahalaan ng isang solong indibidwal. Ang pagiging isang sole proprietor ay nangangahulugan na ang negosyo ay hindi nahahati sa iba pang mga negosyante. Dahil dito, ang lahat ng responsibilidad para sa pagpapatakbo ng negosyo ay nakabatay sa may-ari. Ang pagiging isang sole proprietor ay nangangahulugan din na ang may-ari ay nakikinabang sa lahat ng mga kita ng negosyo, ngunit siya rin ay responsable para sa lahat ng gastos, pagkakautang, maging ang operasyon o takbo nito.


Ang isang halimbawa ng sole proprietorship ay isang solong indibidwal na magsasaka na nagmamay-ari ng isang bukid at nagbebenta ng produkto nito. Isa pang halimbawa ay isang tindero ng mga produkto sa isang pwesto sa palengke. Ang sole proprietorship ay nagpapahintulot sa may-ari na manatiling may kontrol sa lahat ng mga kita at gastos ng negosyo, at ito ay hindi nahahati sa ibang kasosyo.

Advantages ng Sole Proprietorship

  • Simpleng uri ng pagpapatakbo ng negosyo.
  • Ang may-ari ay may buong kontrol sa negosyo.
  • Ang may ari may ay may buong pagpapasya sa mga desisyon sa negosyo.
  • Ang may-ari ay walang kahati sa kita ng negosyo.
  • Ang may-ari ay hindi kailangang magsagawa ng mga pag-file ng buwis o magbayad ng karagdagang mga buwis ng may-ari.
  • Ang kita ng negosyo ay ibinabawas direkta sa total na buwis ng may-ari.

Disadvantages ng Sole Proprietorship

  • Kawalan ng liability protection
  • Ang may-ari ng negosyo ay personal na responsable para sa lahat ng mga pagkakautang at gastos ng negosyo. 
  • Ang may-ari ang siyang nahaharap sa personal na pag-uusig kung ang negosyo ay maharap sa problemang ligal.
  • Ang mga may-ari din ay pwedeng magkaroon ng problema sa pagkuha ng mga investor dahil sa kawalan ng liability protection.

2. Partnership

Kahulugan ng Partnership

Ang partnership ay isang uri ng negosyo na binubuo ng dalawa o higit pang indibidwal na nagmamay-ari at nagkakaisa upang magpatakbo ng isang negosyo. Ang pagiging isang partner ay nangangahulugan na maroon kang pantay na karapatan na magdesisyon tungkol sa lahat ng aspeto ng negosyo. Ang partnership ay nagbibigay ng mas malawak na pamamahala ng negosyo sa pamamagitan ng pagbabahagi ng responsibilidad sa pagitan ng mag-partner. Maaari itong maging isang epektibong paraan upang mapatakbo ang negosyo nang maayos.

Advantages ng Partnership

  • Naibabahagi ang responsibilidad sa mag-partner sa pagpapatakbo ng negosyo.
  • Naibabahagi ang mga gastos sa puhunan ng negosyo. 
  • Ang mag-partner ay hindi kailangang mag-isang mag-isip ng lahat ng mga detalye tungkol sa pagpapatakbo ng negosyo.
  • Ang mag-partner ay maaaring magamit ang kapasidad ng isa't isa upang matulungan ang negosyo na lumago.
  • Ang pagiging partner ay nagbibigay din ng proteksyon mula sa mga responsibilidad sa pampublikong pag-uulat at pagbabayad ng buwis.

Disadvantages ng Partnership

  • Potensyal na pananagutan o liabilities ng mag-partner
  • Pagkawala ng awtonomiya sa negosyo
  • Pang-emosyonal na isyu o conflict sa mag-partner
  • Problema sa pagbebenta ng negosyo sa hinaharap.

3. Corporation

Kahulugan ng Corporation

Ang isang corporation ay isang uri ng negosyo na binubuo ng mga stockholder kung saan ang kita at paggastos ay ipinapasa at idinadaan sa kanila. Ang mga stockholders ay may kontrol sa magiging direksyon ng isang negosyo sa ilalim ng uring corporation.

Advantages ng Corporation

  • Mayroong proteksyon mula sa personal na pananagutan ng negosyo.
  • Mayroong seguridad at pagpapatuloy ng negosyo.
  • Mas madaling pag-access sa kapital.

Disadvantages ng Corporation

  • Matagal na application process ng negosyo.
  • Pagsailalim sa double taxation.
  • Pagkakaroon ng mahigpit na mga protocol at mga pormalidad na dapat sundin.

4. Cooperation

Kahulugan ng Cooperation

Ang isang cooperation o kooperatiba ay isang uri ng organisasyon at negosyo na binubuo ng isang grupo ng mga indibidwal na nagkakaisa upang kumita sa pamamagitan ng pagbenta ng mga produkto o pag-aalok ng mga serbisyo. Kabilang sa halimbawa ng isang negosyong pang-cooperation ay producer/marketing, retail supply, utility, cable television, agricultural services, at farmers' market.

Advantages ng Cooperation

  • Ang mga miyembro ng isang cooperation ay binubuwisan lamang sa natanggap na kita at walang corporate o iba pang uri ng double taxation. 
  • Ang gobyerno may mga programa upang tulungan ang mga startup ng isang kooperatiba. 
  • Ang bawat miyembro ay nakakakuha ng isang boto, gaano man kalaki ang kontribusyon.
  • Makatitiyak na ang negosyo ay magsisilbi sa mga pangangailangan ay interes ng lahat ng miyembro.

Disadvantages ng Cooperation

  • Maliit na kontrol ng bawat miyembro sa kung paano pinapatakbo ang negosyo.
  • Limitado ang kagustuhan sa negosyo maliban sa kung ano ang desisyon ng buong co-op.

Magtayo ng Sariling Negosyo Kasama ang SariSuki

Alam mo ba na maaari ka nang magtayo ng sarili mong negosyo at kumita ng malaking halaga na hindi nabubutas ang iyong bulsa? Maaari mo nang simulan ang iyong dream negosyo kasama ang SariSuki at maging isang Community Leader sa inyong lugar ngayon!


Wala kang kailangang ilabas na anumang puhunan. Tanging sipag, tiyaga, at epektibong panghihikayat lamang sa iyong mga Ka-Suki na bumili ng kanilang everyday needs sa iyong online grocery store kagaya ng bigas, isda, karne, gulay, mga pangangailangang pambahay, at iba pang produkto na mas mura kumpara sa inyong malapit na supermarket. Walang minimum orders at wala ring hidden charges dito sa SariSuki. Ang mas maganda pa bilang ka-partner ang SariSuki sa iyong negosyo, mas pinadali pa namin ang proseso ng pagbili dahil kami na rin mismo ang maghahatid sa inyong lugar ng iyong mga order!

Kaya naman ano pa ang hinihintay mo, i-download at mag-sign up na ilang isang Community Leader gamit ang SariSuki app ngayon!

Frequently Asked Questions

Anu-ano ang mga uri ng negosyo? 

Mayroong apat na uri ng negosyo na maaari mong simulan. Iyan ay ang sole proprietorship, partnership, corporation, at cooperation. Ang bawat isa ay nagkakaiba sa dami ng negosyanteng magkasosyo sa isang negosyo. Nagkakatalo rin ang bawat uri ng negosyo na ito sa hatian ng kita at responsibilidad sa pamamalakad nito. 

Anong uri ng negosyo ang dapat piliin? 

Ang pagpili ng uri ng negosyo na iyong papasukin ay nakadepende sa ilang mga bagay. Kabilang dito ang iyong kapasidad na magpalabas ng panimulang kapital, ang dami ng taong nais mong makasama sa pangangasiwa ng negosyo, pati na rin ang tipo at laki ng negosyo na nais mong itayo. Tandaan na bawat uri ng negosyo ay mayroong advantages at disadvantages. Kaya naman, mainam na pag-aralang mabuti ang bawat isa.