Oh No, Onions: Nakakaiyak na Presyo ng Sibuyas sa Pilipinas, Bakit nga ba?

Ang pagtaas ng presyo ng sibuyas sa Pilipinas ay isang malaking hamon para sa mga Pilipino. Ang mga dahilan sa pagtaas ay kinabibilangan ng kakulangan sa supply chain, pagkakamali sa supply projections, at posibilidad ng pagmamanipula sa presyo. Alamin ang mga rason sa likod ng pagtaas ng presyo. 

Kadikit na ng kultura at panlasang Pinoy ang paggamit ng sibuyas bilang primaryang rekados o kasangkapan sa mga lutuin. Kaya naman sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong ito, marami ang dumadaing at umaaray hindi lamang sa kusina, ngunit pati na rin sa mga bukirin kung saan ang mga magsasaka ay isa sa mga lubhang apektado.


Dahil rito, mahalagang suriin kung ano nga ba ang mga dahilan ng biglaang pagbulusok ng presyo ng sibuyas. Anu-ano ang dahilan ng biglang pagtaas nito? Ano ang epekto nito sa atin bilang mga Pilipino? At paano nga ba tayo makatitipid sa gitna ng isang krisis sa suplay ng sibuyas sa ating bansa?


Patuloy na magbasa para malaman ang mga rason sa likod ng pagtaas ng sibuyas sa Pilipinas.

Nakakaiyak na Presyo ng Sibuyas

Sinalubong ng mga Pilipino ang taong 2023 sa isang nakakaiyak na balita. Umabot sa humigit kumulang ₱720.00 kada kilo ang presyo ng sibuyas sa unang araw pa lamang ng taon. 

Bilang isang bansa na kilala sa larangan ng agrikultura, lubos na pagkadismaya ang nararamdaman ng nakararami lalo na ang ilang suki sa malalaking pampublikong palengke sa Metro Manila. Kung ikukumpara, hindi hamak na mas mahal na kasi ngayon ang sibuyas kaysa sa isang kilo ng karne!

Kaya naman ang hiling ng nakararami, sana ay bumaba na ang presyo ng sibuyas sa palengke. Para sa isang bansang kumukunsumo ng 17,000 metric tons ng sibuyas kada taon, isang malaking pagsubok ang nararanasang pagtaas ng presyo nito.

Hindi rin nakatulong ang patuloy na paglobo ng inflation rate o ang o ang pagtaas ng mga bilihin sa merkado na pumapalo na sa 8.1%s, ang pinakamataas sa nakalipas na 14 na taon.

Kung isasamatutal, mas malaki pa ang presyo ng sibuyas sa kita ng isang minimum wage earner sa Metro Manila. Kaya naman marami sa atin ang todo higpit ng sinturon sa pag-budget ng ating o kaya naman ay pag-iwas sa paggamit ng sibuyas sa pagluluto.

Posibleng Dahilan sa Pagtaas ng Presyo ng Sibuyas

Ano nga ba ang dahilan sa biglang pagiging ginto ng presyo ng sibuyas sa ating mga palengke?


Isa sa mga tinitingnang dahilan bukod sa pandaigdigang implasyon na dinaranas natin ngayon ay problema sa supply chain ng sibuyas. Maliban dito, isa pang dahilan ay ang pagkakamali sa supply projections sa sibuyas kung kaya’t nahaharap ang Pilipinas sa kakulangan ng supply sa kabila ng mataas na demand para rito.


Ayon sa law of supply and demand, talagang bubulusok ang presyo ng isang produkto kung kulang ito sa supply ngunit malaki ang pangangailan nito sa merkado.


Isa rin sa tinitingnang dahilan ay ang posibilidad ng kusang pagmamanipula ng presyo ng sibuyas sa Pilipinas. Ayon sa ilang opisyal ng bansa, masinsing iniimbestigahan din kung mayroong sindikato na kumokontrol sa presyo ng sibuyas sa pamamagitan ng hoarding o malawakang pagtatago ng supply ng isang produkto para mapataas ang halaga nito sa palengke.


Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang Departamento ng Agrikultura sa pagtingin sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng sibuyas at mapanagot ang mga tao sa likod nito. 

Kahalagahan ng Sibuyas Para sa mga Pilipino

Hindi maikakaila na ang sibuyas ay importante sa maraming Pilipino. Ang pang-agrikulturang produktong ito ang siyang nagbibigay amoy sa ating paggigisa at panlasa sa ating mga lutuin.

Kung iisiping mabuti, halos lahat ng lutuing Pilipino ay gumagamit ng sibuyas. Bilang pagpapatunay, narito ang ilan sa mga tatak Pinoy na mga recipes na ginagamitan ng sibuyas:

  • Sizzling Sisig
  • Nilaga
  • Adobo
  • Pancit
  • Tinolang Manok
  • Tokwa’t Baboy
  • Bistek
  • Kilayin
  • Kare-kare
  • Mechado
  • Lumpiang Shanghai
  • Gisadong Monggo
  • Sarciadong Isda

Makikitang mabuti mula sa listahan sa itaas ang importansya ng sibuyas sa lutuing Pilipino. Sakaling magtuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng sibuyas sa bansa, mapipilitan ang marami na tipirin o iwasan na lamang muna ang paglalagay ng sibuyas sa kanilang mga lutuin.


Para sa maraming Pilipinong tambay sa kusina, kinakailangan munang ipagpaliban kung ilang hiwa ang nakalagay sa kanilang mga recipe books dahil sa taas ng presyo ng sibuyas.

Murang Sibuyas Kaysa Palengke

Bilang ang kauna-unahang community-selling platform sa Pilipinas, hatid ng SariSuki ang mas murang presyo ng sibuyas kumpara sa palengke maging sa inyong pinakamalapit na grocery stores o supermarket.


Mula sa mithiin nitong gawing mas accessible para sa lahat ng Pilipino ang mas mura ngunit quality na mga produkto gaya ng sibuyas for every juan, tiyak na mas abot kaya at makakaasa ka sa kalidad ng mga produktong hatid ng SariSuki at ng ating mga Community Leaders at kanilang mga digital grocery store–na tiyak ay hindi ka paiiyakin!


Bukod sa mura, mas pinadali din ng SariSuki ang iyong pamimili. Gamit ang iyong cellphone at internet, kaya mo nang mamimili sa loob lamang ng iyong bahay. Hindi mo na kailangan makipagbuno’t mangamoy sibuyas (pun intended) sa labas patungong palengke upang makapamili lamang ng mga sangkap sa iyong mga lutuin.


I-download at mag-sign up na sa SariSuki ngayon! 

Frequently Asked Questions

Ano ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng sibuyas? 

Ang isa sa tinitingnang mga dahilan ng matinding pagtaas ng presyo ng sibuyas ay ang tinatawag na hoarding. Ang hoarding ay ang pagmamanipula ng presyo ng mga bilihin sa merkado sa pamamagitan ng pagtatago ng suplay ng isang produkto, kagaya ng sibuyas, hanggang sa tumaas ang presyo nito sa palengke dahil sa mataas na demand ngunit limitadong suplay.

Paano at saan makakamura ng sibuyas? 

Sa pamamagitan ng pagbili ng sibuyas sa SariSuki, makakasiguro na mas mura ang presyo nito kumpara sa palengke. Mas mapapadali at makakatipid ka rin sa iyong pagbili sa online grocery store ng SariSuki kasama ang ating mga Community Leaders!